
Nag-OFW ang asawa ko paramagka-foreign kabit
Notes de l’épisode
“Binenta ko ang sarili kong dangal para lang makaahon kaming dalawa sa hirap.”Ibinahagi ng letter senfder ang masakit niyang karanasan sa piling ng lalaking minahal niya mula pa noong high school. Sa edad na 14, nabuntis siya at maagang hinarap ang responsibilidad bilang ina, habang nagsisikap na maitaguyod ang pag-aaral at pangarap ng kanilang pamilya. Marami siyang isinakripisyo para makaahon sila sa hirap, pero nang makapagtrabaho na sa Taiwan ang asawa, natuklasan niyang niloko siya nito. Sa kabila ng pagbuti ng kanilang buhay pinansyal, nanatili ang sakit, pagod at pakiramdam na hindi pinahalagahan ang lahat ng kanyang ginawa. Ito ang secret file ni Lai.