
Pinayagan niya akong magkaroon ng maraming kabit
Shownotes
“Ginagamit ko lang 'yung mga kabit kong lalaki para pagselosin 'yung live-in partner ko. Akala ko gagana, pero wala lang daw sa kanya, basta wag lang daw akong magpapahuli.. 'Di man lang siya kinabahan."Ibinahagi ng letter sender ang pinagdadaanan niya sa anim na taong relasyon nila ng kanyang live-in partner. Dahil sa paulit-ulit na problema sa kanilang pagsasama, aminado siyang naghahanap siya ng atensyon at pagmamahal mula sa ibang tao. Pero kahit maraming bagay ang gumugulo sa isip niya, hindi pa rin niya alam kung kaya na ba niyang tuluyang bitawan ang taong mahal niya. Hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang ganitong sitwasyon? Ito ang secret file ni Kelly.