Pular para o conteúdo
Raqi’s Secret Files
PodcastFicçãoDramaTL

Raqi’s Secret Files

NovoNag-OFW ang asawa ko paramagka-foreign kabit12 de novembro de 2026 · 11 min
Episódios
385
Publicação
diária
Último episódio
12 nov 2026

Sobre o podcast

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.

Episódios 385

  1. Nag-OFW ang asawa ko paramagka-foreign kabit

    11 min

    “Binenta ko ang sarili kong dangal para lang makaahon kaming dalawa sa hirap.”Ibinahagi ng letter senfder ang masakit niyang karanasan sa piling ng lalaking minahal niya mula pa noong high school. Sa edad na …

    Notas do episódio

    “Binenta ko ang sarili kong dangal para lang makaahon kaming dalawa sa hirap.”Ibinahagi ng letter senfder ang masakit niyang karanasan sa piling ng lalaking minahal niya mula pa noong high school. Sa edad na 14, nabuntis siya at maagang hinarap ang responsibilidad bilang ina, habang nagsisikap na maitaguyod ang pag-aaral at pangarap ng kanilang pamilya. Marami siyang isinakripisyo para makaahon sila sa hirap, pero nang makapagtrabaho na sa Taiwan ang asawa, natuklasan niyang niloko siya nito. Sa kabila ng pagbuti ng kanilang buhay pinansyal, nanatili ang sakit, pagod at pakiramdam na hindi pinahalagahan ang lahat ng kanyang ginawa. Ito ang secret file ni Lai.

  2. Nahuli ko sa akto ang girlfriend ko at ang kabit niya

    11 min

    “Gusto ko lang talagang makahanap ng babaeng mamahalin ako kung sino ako. Hindi dahil may mga negosyo ako. Hindi dahil meron akong pera.”Ibinahagi ng isang 35-anyos na lalaki mula Bulacan ang kanyang mga …

    Notas do episódio

    “Gusto ko lang talagang makahanap ng babaeng mamahalin ako kung sino ako. Hindi dahil may mga negosyo ako. Hindi dahil meron akong pera.”Ibinahagi ng isang 35-anyos na lalaki mula Bulacan ang kanyang mga pagkabigo sa pag-ibig matapos siyang lokohin ng dalawang naging karelasyon niya. Bilang isang negosyante na nagpapatakbo ng anim na kumpanya, aminado siyang mas inuuna niya ang trabaho at pagbibigay ng magandang buhay kaysa oras at atensyon sa kanyang mga naging girlfriend. Ngayon, may nakikilala siyang bagong babae, pero hindi niya maiwasang magduda kung tunay ba ang interes nito sa kanya o naaakit lamang sa kanyang estado sa buhay. Sa kabila ng tagumpay niya sa negosyo, ang simpleng hangad lang niya ay makahanap ng taong mamahalin siya nang totoo, hindi dahil sa pera o kung ano ang kaya niyang ibigay. Ito ang kaniyang secret file.

  3. Pinayagan niya akong magkaroon ng maraming kabit

    12 min

    “Ginagamit ko lang 'yung mga kabit kong lalaki para pagselosin 'yung live-in partner ko. Akala ko gagana, pero wala lang daw sa kanya, basta wag lang daw akong magpapahuli.. 'Di man lang siya …

    Notas do episódio

    “Ginagamit ko lang 'yung mga kabit kong lalaki para pagselosin 'yung live-in partner ko. Akala ko gagana, pero wala lang daw sa kanya, basta wag lang daw akong magpapahuli.. 'Di man lang siya kinabahan."Ibinahagi ng letter sender ang pinagdadaanan niya sa anim na taong relasyon nila ng kanyang live-in partner. Dahil sa paulit-ulit na problema sa kanilang pagsasama, aminado siyang naghahanap siya ng atensyon at pagmamahal mula sa ibang tao. Pero kahit maraming bagay ang gumugulo sa isip niya, hindi pa rin niya alam kung kaya na ba niyang tuluyang bitawan ang taong mahal niya. Hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang ganitong sitwasyon? Ito ang secret file ni Kelly.

  4. Ang dami palang kabit ng girlfriend ko

    18 min

    "Hindi ko alam kung ano 'yung unang mararamdaman ko no'ng time na 'yun, eh. Gulat? Galit? Selos? O sakit? Imagine, 10 years kami, tapos sasabihin sa akin no'ng mga lalaking 'yun girlfriend nila 'yung girlfriend …

    Notas do episódio

    "Hindi ko alam kung ano 'yung unang mararamdaman ko no'ng time na 'yun, eh. Gulat? Galit? Selos? O sakit? Imagine, 10 years kami, tapos sasabihin sa akin no'ng mga lalaking 'yun girlfriend nila 'yung girlfriend ko."


    Ibinahagi ng letter sender na nahuli niya ang girlfriend niya na may dala-dalawa palang kabit! Magkaayos pa kaya sila o tuluyan nang masira ang relasyon nila? Ito ang secret file ni Jerome.

  5. Sa medya ko pinunas ang aking katas

    8 min

    “Hinubad ko ang isang medyas ko sa paa at ’yun ang ipinamunas ko! Nilinis ko hanggang sa wala nang bahid ng kahit ano!”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakahiyang pero nakakatawang karanasan niya sa debut …

    Notas do episódio

    “Hinubad ko ang isang medyas ko sa paa at ’yun ang ipinamunas ko! Nilinis ko hanggang sa wala nang bahid ng kahit ano!”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakahiyang pero nakakatawang karanasan niya sa debut ng matalik niyang kaibigan. Dahil hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili, sinubukan niyang makapagparaos sa banyo habang busy sila sa party. Medyas lang, sapat na! Ito ang scret files ni Samson.

  6. Nakaipon ako sa pagbebenta ng pictures ko

    21 min

    “Gusto ko na marinig pa rin niya yung ganda ng mundong ito kahit ako na yung makarinig ng masasakit na salita o pangit na salita. Handa akong akuin ang lahat ng hiya, ang lahat ng sakit para sa pamilya …

    Notas do episódio

    “Gusto ko na marinig pa rin niya yung ganda ng mundong ito kahit ako na yung makarinig ng masasakit na salita o pangit na salita. Handa akong akuin ang lahat ng hiya, ang lahat ng sakit para sa pamilya ko.”Ibinahagi ng letter sender ang kanyang kuwento tungkol sa matinding sakripisyong ginawa niya para matulungan ang kanyang inang nawalan ng kakayahang makarinig. Dahil sa kagustuhang makabili ng hearing aid para rito at sa bigat ng responsibilidad bilang anak, napilitan siyang sumubok ng isang bagay na hindi niya kailanman inisip na gagawin niya. Sa paghahanap niya ng paraan para makalikom ng pera, nakilala niya ang isang lalaking nangako ng tulong kapalit ng mga sensitibong larawan niya, ngunit nauwi ito sa panloloko at matinding takot. Isang kuwento ito ng pagmamahal sa pamilya, sakripisyo, at kung gaano kalayo ang kayang marating ng isang anak para sa mga magulang niya. Ito ang secret file ni Nancy.

  7. Masarap kasama at masarap sa kama ang kabit ko

    15 min

    “Gusto kong ako yung babaeng pipiliin niyang panindigan.”Ibinahagi ng sender, isang single mom na may dalawang anak, ang kuwento ng pagmamahal niya sa isang lalaking mahigit isang taon na niyang nakarelasyon …

    Notas do episódio

    “Gusto kong ako yung babaeng pipiliin niyang panindigan.”Ibinahagi ng sender, isang single mom na may dalawang anak, ang kuwento ng pagmamahal niya sa isang lalaking mahigit isang taon na niyang nakarelasyon ngunit hindi pa rin kayang bigyan ng label ang kanilang relasyon. Sa una, wala siyang planong mahulog ang loob sa lalaki, pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama, unti-unti siyang nahulog at nasanay sa presensya nito. Kahit ginagawa na nila ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng magkasintahan, nananatili siyang bitin sa kasiguraduhan dahil tila may bahagi pa rin ng puso ng lalaki na nakakapit sa nakaraan. Ngayon, nahihirapan siyang balansehin ang pagmamahal, selos at takot na baka hindi siya ang babaeng pipiliing panindigan nito. Ito ang secret file ni Joanne.

  8. Suki ako ng extra service sa spa

    14 min

    Ito ang secret file ni Brian.

  9. May batang sumusunod sa‘kin sa ospital

    13 min

    “Pakiramdam ko parang may puwersang humihigop o humihila sa akin papunta sa restroom kung saan siya nanggaling.”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakatakot na karanasan habang nasa ospital kasama ang …

    Notas do episódio

    “Pakiramdam ko parang may puwersang humihigop o humihila sa akin papunta sa restroom kung saan siya nanggaling.”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakatakot na karanasan habang nasa ospital kasama ang kanyang asawa. Sa gitna ng katahimikan ng hatinggabi, may nakita siyang batang lalaki na napakaputla ng mukha at kakaiba ang ngiti sa loob ng banyo. Ngunit mas nakakatakot ang sumunod na nangyari nang maramdaman niyang tila may puwersang kumokontrol at humihila sa kanya. Isang karanasang nagdulot sa kanya ng matinding takot at nag-iwan ng misteryong hindi niya madaling makalimutan. Ito ang secret file ni Belinda.

  10. Muntik akong patayin sa sindak ng amo ko

    15 min

    “Pagbalik ko, nagulat ako… wala na ang alaga ko sa crib!”. Ibinahagi ng sender, isang yaya ng isang baby girl, ang nakakatakot na karanasan nang sandali niyang iwan sa crib ang kanyang alaga para kunin ang mga …

    Notas do episódio

    “Pagbalik ko, nagulat ako… wala na ang alaga ko sa crib!”.

    Ibinahagi ng sender, isang yaya ng isang baby girl, ang nakakatakot na karanasan nang sandali niyang iwan sa crib ang kanyang alaga para kunin ang mga nakasampay na damit bago umulan. Pagbalik niya, biglang nawala ang sanggol kaya agad siyang nag-panic at kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya—mula sa posibilidad na may kumuha sa bata hanggang sa mga kuwentong may kinalaman sa maligno. Sa gitna ng malakas na ulan, takot at pangamba ang kanyang naramdaman, lalo na’t iniisip niyang maaaring mawalan siya ng trabaho. Pero ang mas nakakakaba, ang pag-amin niya sa amo tungkol sa pagkawala ng baby ay may kasunod na isang hindi niya inaasahang pangyayari. Ito ang secret file ni Tessa.

  11. Limang tao ang nagtanggal ng daliri niya sa leeg ko

    25 min

    “Iba't ibang babae. Iba't ibang conversations. Tinuruan niya ako kung paano maging isang mahusay na kabit.” Ibinahagi ng sender ang nakakatakot na karanasan niya sa kanilang bagong kusinera, na noong una ay …

    Notas do episódio

    “Iba't ibang babae. Iba't ibang conversations. Tinuruan niya ako kung paano maging isang mahusay na kabit.”


    Ibinahagi ng sender ang nakakatakot na karanasan niya sa kanilang bagong kusinera, na noong una ay masipag, mabait at masayahin. Pero isang gabi, matapos ang isang handaan, bigla itong nagpakita ng kakaibang kilos at nakakatakot na pagbabago sa pagkatao. Sa harap ng kanilang mga mata, tila ibang nilalang na ang kumokontrol sa kusinera, dahilan para manginig sa takot ang buong pamilya. Isang pangyayaring mag-iiwan sa kanya ng matinding takot at maraming tanong tungkol sa tunay na nangyari sa kanilang bahay. Ito ang secret file ni Chona.

  12. Kung susunduin mo na ako, sasama ako sa‘yo

    24 min

    "Hindi ko alam kung totoo ba siya o hindi. Ang alam ko lang, natatawagan niya ako sa cellphone ko. Kung sakaling tatawag siya, sasagot ako, at kung susunduin niya ako, sasama ako agad." Ibinahagi ng sender ang …

    Notas do episódio

    "Hindi ko alam kung totoo ba siya o hindi. Ang alam ko lang, natatawagan niya ako sa cellphone ko. Kung sakaling tatawag siya, sasagot ako, at kung susunduin niya ako, sasama ako agad."

    Ibinahagi ng sender ang namumuong relasyon sa kanila ng isang lalaking hindi niya alam kung tunay ba o hindi. Misteryoso ang pag-ibig, pero paano kung ang lalaking iniibig mo mismo ang siyang nababalot ng misteryo? Ito ang secret file ni Maripaz.

  13. Nakita ko ang isang nilalang na hindi ko inakalang totoo

    22 min

    "Nagpaalam kami kay Manong kung p'wede ba pumasok sa dati naming school. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa at isa lang ang sagot niya sa akin: "Sige, sana makalabas kayo nang buhay." Kinilabutan ako …

    Notas do episódio

    "Nagpaalam kami kay Manong kung p'wede ba pumasok sa dati naming school. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa at isa lang ang sagot niya sa akin: "Sige, sana makalabas kayo nang buhay." Kinilabutan ako no'n, DJ Raqi."


    Ibinahagi ng letter sender na makalipas ang 20 years, nagmukhang haunted house ang hitsura ng dati niyang eskwelahan. Pinasok nila ito at dahil sa isang maling desisyon, muntik na silang 'di makalabas nang buhay. Ito ang secret file ni Christian.

  14. Muntik na kaming hindi makalabas nang buhay

    22 min

    "Nagpaalam kami kay Manong kung p'wede ba pumasok sa dati naming school. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa at isa lang ang sagot niya sa akin: "Sige, sana makalabas kayo nang buhay." Kinilabutan ako …

    Notas do episódio

    "Nagpaalam kami kay Manong kung p'wede ba pumasok sa dati naming school. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa at isa lang ang sagot niya sa akin: "Sige, sana makalabas kayo nang buhay." Kinilabutan ako no'n, DJ Raqi."


    Ibinahagi ng sender na makalipas ang 20 years, nagmukhang haunted house ang hitsura ng dati niyang eskwelahan. Pinasok nila ito at dahil sa isang maling desisyon, muntik na silang 'di makalabas nang buhay. Ito ang secret file Christian.

  15. Handa akong maging kabit ng isang hot mommy

    12 min

    "May anak na pala 'yung crush ko, pero nalaman ko rin na 'di sila okay ng boyfriend niyang nakabuntis sa kanya. Nagloko raw kasi 'yung lalaki. Ano naman kung magloko rin siya, 'di ba?" Ibinahagi ng sender …

    Notas do episódio

    "May anak na pala 'yung crush ko, pero nalaman ko rin na 'di sila okay ng boyfriend niyang nakabuntis sa kanya. Nagloko raw kasi 'yung lalaki. Ano naman kung magloko rin siya, 'di ba?"


    Ibinahagi ng sender, isang water delivery boy, na 'di niya mapigilan ang paghanga niya sa customer niya. May anak man ito, nais pa rin niyang maging bahagi ng buhay nito. Ito ang secret file ni Jamie.

  16. Ka-esmiringhoy ko sa sasakyan ang aking kalandian

    15 min

    "Arab man si Mr. A. Mahigpit dito sa Middle East, kaya 'di talaga kami p'wede. Pero kapag umibig ka minsan, madadala ka talaga ng damdamin mo. Sa tindi ng pananabik namin sa isa't-isa, may mga pagkakataong may …

    Notas do episódio

    "Arab man si Mr. A. Mahigpit dito sa Middle East, kaya 'di talaga kami p'wede. Pero kapag umibig ka minsan, madadala ka talaga ng damdamin mo. Sa tindi ng pananabik namin sa isa't-isa, may mga pagkakataong may ginagawa kami sa loob ng sasakyan niya. Naulit ito nang ilang beses."


    Ibinahagi ng letter sender na lintik talaga ang pag-ibig! Kung ano-anong nagagawa niya para rito–umabot pa sa puntong nakipag-esmiringhoy siya sa sasakyan ng kaniyang kalandian! Ito ang secret file ni Jane.

  17. Ginamit niya ang sexy pictures ko pang-blackmail

    13 min

    "Sinabi niya na kung totoong mahal ko siya mag-send daw ako ng sexy pictures. Nag-send ako dahil mahal ko naman.." Ibinahagi ng letter sender ang karanasan niya sa kaniyang toxic boyfriend. Ang mga litratong …

    Notas do episódio

    "Sinabi niya na kung totoong mahal ko siya mag-send daw ako ng sexy pictures. Nag-send ako dahil mahal ko naman.."

    Ibinahagi ng letter sender ang karanasan niya sa kaniyang toxic boyfriend. Ang mga litratong para sa mata lang ng taong mahal niya ay ginagamit ngayon pang-blackmail sa kaniya. Ito ang secret file ni Mia.

  18. Nabuntis ko ang kabit ko kaya pinakasalan ko siya

    14 min

    "Alam kong mali kasi meron akong jowa, pero hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa nung babaeng 'yun. Ayun, nabuntis siya." Ibinahagi ng letter sender na minsan, nananaig talaga sa lalaki ang tawag ng …

    Notas do episódio

    "Alam kong mali kasi meron akong jowa, pero hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa nung babaeng 'yun. Ayun, nabuntis siya."


    Ibinahagi ng letter sender na minsan, nananaig talaga sa lalaki ang tawag ng laman. Bakla man siya at in a relationship sa kapwa niya lalaki, 'di pa rin niya napigilang magkaroon ng kabit na babae. Ngayon, buntis ang kabit niya at wala siyang choice kun'di pakasalan ito. Ito ang secret file ni Paul.

  19. Sa‘yo ang Sabado ko kahit hindi ka akin

    18 min

    "Okay lang kahit masakit. Okay lang kahit kaibigan lang ang pwesto ko sa buhay niya. Basta ako ang nagiging sandalan niya." Ibinahagi ng letter sender na may mga tao sa buhay natin na hinding-hindi natin kayang …

    Notas do episódio

    "Okay lang kahit masakit. Okay lang kahit kaibigan lang ang pwesto ko sa buhay niya. Basta ako ang nagiging sandalan niya." Ibinahagi ng letter sender na may mga tao sa buhay natin na hinding-hindi natin kayang iwasan. Ang isang babae ito para sa kaniya. Kahit kasal at pamilyado na ito, 'di niya mapigilan na ialay lahat ng kaniyang oras para rito. "Best friends" lang sana, pero 'di alam ni Lorraine, may malisya na ang lahat para sa kaniya. Ito ang secret file ni Gabby.

  20. Ayoko nang mag-overtime dahil munti na akong mamatay

    8 min

    Dahil sa dami ng trabaho sa paaralan, madalas mag-overtime ang letter sender at nakakalimutang kumain. Isang gabi, dahil sa sobrang gutom, lumabas siya para maghanap ng mabibilhan ng pagkain. Pero sa halip na …

    Notas do episódio

    Dahil sa dami ng trabaho sa paaralan, madalas mag-overtime ang letter sender at nakakalimutang kumain. Isang gabi, dahil sa sobrang gutom, lumabas siya para maghanap ng mabibilhan ng pagkain. Pero sa halip na makabili agad, napahamak pa siya—nakatapak ng ebak, nadapa sa butas, at muntik pang mabangga ng motor! Sa sobrang dumi at gulo ng kanyang itsura, pati tindera at security guard ay natakot sa kanya. Mula noon, natuto na siyang huwag abusuhin ang katawan at laging magbaon ng pagkain. Dahil sa paghahanap ng pantawid-gutom, muntik pa siyang mapagkamalang multo! Ito ang secret file ni Laura.

  21. Nakipag-one night stand ako sa katrabaho ko

    17 min

    Isang pagkakamali ng sender ang nangyari sa kanila ng katrabaho matapos ang isang gabing puno ng alak at emosyon. Pero nang malaman niyang buntis siya, saka niya unti-unting natuklasan ang mas masakit na …

    Notas do episódio

    Isang pagkakamali ng sender ang nangyari sa kanila ng katrabaho matapos ang isang gabing puno ng alak at emosyon. Pero nang malaman niyang buntis siya, saka niya unti-unting natuklasan ang mas masakit na katotohanan—may nililigawan ito at pinagpustahan lang siya ng mga kasamahan nito. Sa gitna ng takot at pagtataksil, natutunan niya na hindi lahat ng tao na pinag kakatiwalaan natin ay may mabuting intensyon. Ito ang secret file ni JC.

  22. Ginawa kong kabit ang rider ko

    12 min

    Pagod na ang letter sender sa relasyon nila ng boyfriend niyang walang malinaw na pangarap sa buhay, kaya nang makilala niya ang isang pogi at maalagang Move It rider, unti-unti siyang nahulog dito hanggang …

    Notas do episódio

    Pagod na ang letter sender sa relasyon nila ng boyfriend niyang walang malinaw na pangarap sa buhay, kaya nang makilala niya ang isang pogi at maalagang Move It rider, unti-unti siyang nahulog dito hanggang nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng boyfriend niya. Pero ang akala niyang bagong pag-ibig ay puno rin pala ng kalituhan—walang label ang relasyon nila, at minsan ay bigla na lang nawawala ang lalaki. Ngayon, hindi niya alam kung ipaglalaban pa ba niya ang relasyong walang kasiguraduhan o kung panahon na para piliin naman ang sarili niya. Ito ang secret file ni Yuri.

  23. Sa motel namatay ang asawa ko

    15 min

    Halos 12 taon naging masaya ang pagsasama ng letter sender at ng asawa, kaya labis ang sakit nang matuklasan niyang may ibang babae pala ang mister niya. Ang mas masakit, sa mismong araw ng pagkamatay nito …

    Notas do episódio

    Halos 12 taon naging masaya ang pagsasama ng letter sender at ng asawa, kaya labis ang sakit nang matuklasan niyang may ibang babae pala ang mister niya. Ang mas masakit, sa mismong araw ng pagkamatay nito, natagpuan niya ito sa isang motel kasama ang babaeng matagal na niyang pinaghihinalaan. Naiwan sa kaniya ang maraming tanong, sakit, at panghihinayang dahil hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap at magpaalam nang maayos. Sa kabila ng pagtataksil, mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagmamahal sa lalaking nakasama niya sa loob ng maraming taon. Ito ang secret file ni Kaye.

  24. Sa sobrang excitement, ibang AFAm ang nayakap ko

    15 min

    Halos anim na buwan nang magkasintahan ang letter sender at ang kanyang foreigner boyfriend, pero online at video call lang sila nagkakakilala. Kaya naman sobra ang excitement niya nang sa wakas ay dumating na …

    Notas do episódio

    Halos anim na buwan nang magkasintahan ang letter sender at ang kanyang foreigner boyfriend, pero online at video call lang sila nagkakakilala. Kaya naman sobra ang excitement niya nang sa wakas ay dumating na ito sa Pilipinas. Sa sobrang sabik niyang mayakap ang nobyo, napayakap pa siya sa maling foreigner sa airport! Pero ang pinakahindi niya malilimutan ay ang tunay na pagkikita nila ng AFAM—na may nakakagulat na pagbabago sa itsura. Ngayon, hindi lang bakasyon sa Pilipinas ang kanilang pagsasamahan, dahil susunod na rin siya sa bansa nito para sa panibagong kabanata ng kanilang love story. Ito ang secret file ni Karen.

  25. Sobrang wild niya at sarap na sarap ako

    12 min

    Matapos ang masakit na breakup, muling nakahanap ng saya ang letter sender sa isang kaibigan niya. Nagsimula ang lahat sa simpleng utang, pero nauwi sa isang lihim na relasyon na hindi na niya kayang basta …

    Notas do episódio

    Matapos ang masakit na breakup, muling nakahanap ng saya ang letter sender sa isang kaibigan niya. Nagsimula ang lahat sa simpleng utang, pero nauwi sa isang lihim na relasyon na hindi na niya kayang basta bitawan. Ang problema, may boyfriend na siya at maayos naman ang pagsasama nila. Ngayon, hati ang puso niya sa pagmamahal at sa isang lihim na nagbibigay sa kanya ng ibang klaseng saya—at hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang itago ang lahat. Ito ang secret file ni Yumi.

  26. Apat ang jowa ko

    16 min

    Ibinahagi ng sender na totoo nga ang sinasabi nila na "the more, the merrier!" Paano ba naman kasi, apat na lalaki ang sabay-sabay niyang minamahal at kinakausap. Hanggang kailan kaya niya mapapanindigan ang …

    Notas do episódio

    Ibinahagi ng sender na totoo nga ang sinasabi nila na "the more, the merrier!" Paano ba naman kasi, apat na lalaki ang sabay-sabay niyang minamahal at kinakausap. Hanggang kailan kaya niya mapapanindigan ang apat na jowa? Ito ang secret file ni Janna.

  27. Tinago ko sa Boyfriend ko ang gabing iyon

    14 min

    Ibinahagi ng letter sender na nagsinungaling siya para makapag-inuman kasama ang mga kaibigan. Pero sa gabing iyon, napalapit siya sa isang lalaki—isang katrabaho na matagal na niyang hinahangaan. Dahil sa …

    Notas do episódio

    Ibinahagi ng letter sender na nagsinungaling siya para makapag-inuman kasama ang mga kaibigan. Pero sa gabing iyon, napalapit siya sa isang lalaki—isang katrabaho na matagal na niyang hinahangaan. Dahil sa kalasingan, nauwi sila sa iisang kama. Ngayon, nahaharap siya sa isang malaking tanong: aamin ba siya sa boyfriend o itatago ang gabing pilit niyang kinakalimutan? Ito ang secret file ni Sky.

  28. Impyerno ang ipinaranas sa‘kin ng taong ipinagdasal ko

    16 min

    Akala ng letter sender na sa wakas dumating na ang lalaking matagal niyang ipinagdasal. Minahal niya ito, pinili kahit may mga babala ang pamilya, at bumuo sila ng sariling pamilya. Pero habang tumatagal ang …

    Notas do episódio

    Akala ng letter sender na sa wakas dumating na ang lalaking matagal niyang ipinagdasal. Minahal niya ito, pinili kahit may mga babala ang pamilya, at bumuo sila ng sariling pamilya. Pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama, ang lalaking minsang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal ay siya ring naging dahilan ng paulit-ulit niyang pagluha at pagdurusa. Sa kabila ng dalawang anak at mga pangarap na gusto pa niyang buuin, ngayon ay nahaharap siya sa pinakamahirap na tanong: mananatili ba siya para sa pamilya, o pipiliin naman niya ang sarili niyang kaligayahan? Ito ang secret file ni Liz.

  29. Lasing lang sana, pero...

    14 min

    Isang masayang inuman sana kasama ang barkada ang nauwi sa isang nakakagulat na kalokohan. Habang lasing si ang letter sender, pinainom siya ng kaibigan niya ng isang basong hindi niya alam ang laman. Nang …

    Notas do episódio

    Isang masayang inuman sana kasama ang barkada ang nauwi sa isang nakakagulat na kalokohan. Habang lasing si ang letter sender, pinainom siya ng kaibigan niya ng isang basong hindi niya alam ang laman. Nang malaman niya ang totoo, nagulat siya pero nauwi rin sa tawanan ang lahat. Para sa kanila, barkada trip lang iyon—pero aminado silang hindi ito dapat gayahin dahil delikado at sobra na ang ginawa nila. Ito ang secret file ni Len-Len.

  30. Mahirap ako, pero hindi ako gold digger

    24 min

    Sa kabila ng wagas na pagmamahalan ni sender at ng kaniyang partner, naging hadlang ang pagtutol ng pamilya nito dahil sa agwat ng kanilang estado sa buhay. Nasaktan siya nang malaman niyang niloko siya ng …

    Notas do episódio

    Sa kabila ng wagas na pagmamahalan ni sender at ng kaniyang partner, naging hadlang ang pagtutol ng pamilya nito dahil sa agwat ng kanilang estado sa buhay. Nasaktan siya nang malaman niyang niloko siya ng partner at tuluyan niyang binitiwan ang kanilang relasyon. Ngunit ang hindi alam ng partner niya, may anak silang bunga ng kanilang pagmamahalan—isang lihim na apat na taon niyang itinatago habang nagsisikap bumuo ng sariling buhay sa ibang bansa. Ito ang secret file ni Aya.

Aqui estão os 40 episódios mais recentes de 385. Os mais antigos estão no feed do podcast.

Este podcast é seu?

Confirme com uma entrada no seu feed: você recebe um código aqui, adiciona como podcast:txt no canal do seu feed e nós verificamos. Depois disso, seu podcast aparece como “verificado” no SoundNode.

Configurações

Exibição

Idioma

Define quais estações você vê primeiro na página inicial.

Histórico

As rádios e episódios ouvidos recentemente e suas últimas buscas ficam só neste navegador.

Avisos

Um aviso rápido quando um podcast que você segue tem um episódio novo. Desative podcasts individuais pelo sino na página deles.

Conta

Salve favoritos – no app e no site.

Atalhos de teclado

/
Abrir busca
Espaço
Reproduzir ou pausar
← →
No player: voltar 15 s, avançar 30 s (episódios) · na fileira: próximo bloco
↑ ↓
Na fileira: alvo dentro do bloco
Home / End
Na fileira: primeiro ou último bloco
Esc
Fechar janela ou menu
?
Esta visão geral
Tocando agora

Ir para a estação

A seguir

    Adicione episódios com “A seguir” – eles tocam depois do episódio atual.