
Nahuli ko sa akto ang girlfriend ko at ang kabit niya
Show notes
“Gusto ko lang talagang makahanap ng babaeng mamahalin ako kung sino ako. Hindi dahil may mga negosyo ako. Hindi dahil meron akong pera.”Ibinahagi ng isang 35-anyos na lalaki mula Bulacan ang kanyang mga pagkabigo sa pag-ibig matapos siyang lokohin ng dalawang naging karelasyon niya. Bilang isang negosyante na nagpapatakbo ng anim na kumpanya, aminado siyang mas inuuna niya ang trabaho at pagbibigay ng magandang buhay kaysa oras at atensyon sa kanyang mga naging girlfriend. Ngayon, may nakikilala siyang bagong babae, pero hindi niya maiwasang magduda kung tunay ba ang interes nito sa kanya o naaakit lamang sa kanyang estado sa buhay. Sa kabila ng tagumpay niya sa negosyo, ang simpleng hangad lang niya ay makahanap ng taong mamahalin siya nang totoo, hindi dahil sa pera o kung ano ang kaya niyang ibigay. Ito ang kaniyang secret file.